Since Philippines is a free country
we can do what we want to do. I will spill everything using my Filipino
language so peace be with you guys.
Mahilig akong kumain ng pagkain
natural. Kinakain ko yung masarap para sa akin baka kasi di masarap sa panlasa
mo. Hindi po ako kumakain ng SIRA at PANIS mahal ko pa po ang buhay. Gustung-gusto
ko yung mga ulam na may maraming sabaw tulad ng sinigang. Wow! masarap yan ‘pag
luto nila lolo’t lola. (Biased) Gusto ko rin ang tinola ah! basta maraming
sabaw masarap naman siguro. Sa totoo lang sobrang nasasarapan talaga ako sa
luto nang lolo at lola ko. Lagi kong nauubos yung pagkain ko kapag sila yung
nagluto. Taob lagi ang kaldero at kawali namin tuwing sila ang nagluluto
masarap naman talaga kasi.
Mahilig din ako sa maaanghang na
pagkain tulad ng bicol express at pancit canton extra hot chili. Siguro dahil
may dugo akong bicolano kasi sila lola ay mga bicolano. Madali kasi akong
magsawa sa pagkain na plain lang yung lasa nasanay kasi ako palagi may
maanghang na sawsawan at maanghang ng ulam sa lamesa. Sisihin niyo lolo at lola
ko malaki talaga impluwensiya nila sa akin lalo na sa pagkain kainin ba naman
ni lolo yung sili. Pero di po ako kumakain ng sili sila lang po di ko pa nasusubukan.
Lumaki ako sa mahirap na buhay kaya
sanay akong kumain na kung ano ang nasa lamesa na pagkaing nakahain kainin mo
kasi maraming taong nagugutom huwag sayangin ang grasya ng diyos. Kaya hindi
ako maarte sa pagkain yung mapili ba. Malakas pala akong kumain ng kanin sabi
nila. Hindi pwedeng walang extra rice kapag kumain ako sa labas o magsasandok
pa ulit ng kanin kapag nasa ibang bahay. Yun nga lang hindi ako tumataba at
hindi ko alam kung swerte ba yun o malas kasi naman malakas nga akong kumain
pero payat pa rin. Mahalaga ang pagkain para sakin hindi dahil ito ang
bumubuhay sa akin kundi ito ay isang paraan kung paano makikilala at
pakikisamahan ang isang tao

No comments:
Post a Comment